IPINAKITA na ng Dallas Mavericks ang istatuwa ng kanilang legendary forward na si Dirk Nowitzki.
Ang istatuwa ay may taas na 24 feet at hango ito sa sikat na one-legged fadeaway ni Nowitzki.
Ang katagang “Loyalty never fades away” naman ang nakalagay sa base ng istatuwa.
21 taon si Nowitzki na power forward sa Mavericks.
Ang unveiling ay ginawa bago ang naging laro ng Dallas kontra Los Angeles Lakers noong Linggo, December 25 (Lunes, December 26, Manila time).