HUWAG hayaang sabihin na nagkaayos na ang siklista at ang ex-police na nambatok dito dahil lang nasagi ng bisikleta ang kaniyang sasakyan.
Kung hahayaan ito ayon kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, sasabihin ng publiko na hindi maayos na naipatutupad ang batas ng Pilipinas at nahahayaan lang ng sinumang dapat na maparusahan.
Dahil dito, hinihimok ni Atty. Roque ang Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy pa rin ang kaso laban sa dating police na si Willie Gonzales.
Sa siklista, umaapela rin si Atty. Roque na hindi lang karangalan nito ang nakasalalay kundi ang mapatunayan din na sa bansa ay may hustisya sa naaapi.
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pag-revoke ng lisensiya ni Gonzales matapos itong masangkot sa isang road rage incident sa Welcome Rotonda Quezon City noong Agosto 8, 2023.
Sa isang viral video post, nakita si Gonzales na nasagi ang sasakyan nito ng isang siklista at ito ang dahilan ng kaniyang galit laban dito.
Makikita rin si Gonzales na binatukan ang siklista hanggang sa naglabas ito ng kaniyang baril kasabay ng pagbabanta.