Isyu ng paglunok ng dollar bills sa NAIA, dapat seryosong maresolba—Roque

Isyu ng paglunok ng dollar bills sa NAIA, dapat seryosong maresolba—Roque

HINDI dapat mag-move on mula sa isyu ng paglunok ng isang Office for Transportation Security (OTS) personnel ng $300 bills.

Kung hindi mareresolba ang ganitong gawain ayon kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ay hindi aniya magiging “world class” ang Pilipinas.

Sa panig ng Department of Tourism (DOT), kumpiyansa si Sec. Christina Frasco na hindi maapektuhan ang tourism industry ng Pilipinas kaugnay dito.

Sinabi ni Frasco na hindi naman kumakatawan sa buong industriya ng turismo ang tinutukoy na isolated incident.

Napakarami rin aniyang rason para mahalin ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter