Isyu sa ekonomiya, politika dapat paghiwalayin para sa katatagan ng bansa—PBBM

Isyu sa ekonomiya, politika dapat paghiwalayin para sa katatagan ng bansa—PBBM

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng paghihiwalay ng politika at ekonomiya upang maipagpatuloy ang katatagan at pag-unlad ng bansa.

Sa kaniyang panayam sa fireside sa World Economic Forum (WEF) sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ito ni Pangulong Marcos bilang tugon aniya sa mga isyung kinahaharap ng Pilipinas lalo na sa relasyon nito sa ibang bansa.

Tulad ng nakaraang administrasyon, muling nanindigan si Marcos na ang tanging paraan upang itaguyod ang foreign policy ng bansa, na ” friend to all and enemy to no one”, ay ang paghiwalayin ang politika at ekonomiya.

“So, it is not that simple, but we have to make that delineation and hopefully, we make the right choices so that our political stability, our political sovereignty, and sovereign rights are defended, robustly,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi pa ng Pangulo na ito ang dapat gawin upang lumago ang ekonomiya habang matatag ang politika sa Pilipinas.

“As long as we have a guiding principle, and that is to separate the two things as much as possible, it’s not necessarily, it’s not a binary solution, but it is something that we need to do if we are going to continue to grow the economy and yet maintain our political stability in the Philippines,” aniya.

Ang mga talakayan ng WEF ay nakasentro sa potensiyal ng bansa bilang strongest-performing Southeast Asian economy ngayong 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble