Itatalagang DA secretary, dapat tutukan ang kapakanan ng mga magsasaka – Pastor Apollo

Itatalagang DA secretary, dapat tutukan ang kapakanan ng mga magsasaka – Pastor Apollo

DAPAT ang kapakanan ng mga magsasaka ang pagtuunan ng pansin.

Ito ang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na dapat maging prayoridad ng itatalagang Agriculture secretary.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa itong magtalaga ng full-time na kalihim ng Department of Agriculture (DA).

“Ang akin lang dito, kung sino man ang maging Agriculture secretary, expert ka man o hindi, ‘pag nalagay ka riyan, ang kapakanan ng ating mga magsasaka sa Pilipinas ang dapat na pagtuunan ng pansin,” pahayag ni Pastor Apollo.

Inihalimbawa ni Pastor Apollo, ang naging hakbang ng dating administrasyon.

“Tulad noong paglalagay sa kanila sa tunay nilang lupa, bibigyan sila ng mga titulo, tulad sa nangyari sa panahon ni Pangulong Digong. Tens of thousands of titles were distributed to the farmers to own their land, isa yon,” dagdag ni Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, dapat tulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na lumaki ang kita nito.

“Sino ngayon ang matitirang farmer kung hindi tutulong ang ating pamahalaan na makikinabang ng malaki ang mga farmer sa kanilang ani, na hindi pagsasamantalahan noong mga hindi naman nagtatanim pero sila ang bumibili, at binabarat lahat. What should the government do for that reason?”

“Kung farmer ka, pinakamahirap ka eh. Paano natin ngayon eengganyuhin ang ating mga anak na maging farmer? Kung halimbawa paghihirap din naman ang kanilang mapapala.”

Kaya anong sabi ng mga magulang nilang naging farmer? ‘Anak ‘pag lumaki ka, ‘wag kang maging farmer na katulad ko, wala tayong mapapala dito, kumuha ka ng kurso at itong gawin mo,” ayon pa sa butihing Pastor.

Gobyerno, dapat mamagitan at bumili sa tamang halaga ng mga ani ng mga magsasaka – Pastor ACQ

Kaugnay nito, may suhestiyon si Pastor Apollo na dapat ang pamahalaan ang namamagitan at ang siyang bumibili ng mga ani ng mga magsasaka sa tamang halaga.

“Kailangan ang gobyerno ang mamagitan at bilhin sa tamang halaga ang kanilang mga ani at ang gobyerno na ang magmarket kung saan market yun. Sa ibang bansa ba o dito sa atin. Para hindi malugi ang ating mga farmer, para meron silang magandang pamumuhay.”

“Edi maengganyo yung mga anak nila na imbis na kumuha ng ibang kurso, magfarmer na lang tayo dahil dito ang prosperity nanggagaling. At ang mga farmers naman talaga ang dapat pangalagaan sapagkat sila ang nagpoproduce ng ating mga pagkain. Palay man, mais man, o ano man klaseng pagkain, nasa kanilang mga kamay ang pag-asa ng ating bayan sa pagkain kaya dapat sila ang alagaan,” aniya.

Samantala, inihalimbawa ni Pastor Apollo ang bansang Israel kung saan kahit na malaking hamon ang lugar nito ay nakaya pa rin nitong makapag-produce, sa katunayan ani Pastor Apollo ay nakakapag-export pa ito.

Kaya naman dagdag pa ni Pastor Apollo, dapat ay magkaroon ng blueprint ang Pilipinas para sa sistemang pang-agrikultura.

“Tulad ng ginagawa sa Israel, ano yan- disyerto pero tinulungan ang mga farmers doon ng kanilang gobyerno kaya mga expert na mga Israeli, expert sa agriculture. Tingnan ninyo, ang disyerto namumulaklak. Ang disyerto nagpoproduce sila ng mga gulay, nagpoproduce sila ng mga fruits na ineexport sa ibang bansa mula sa disyerto.”

“Tayo, napakaganda ng ating lupain, napakalawak, marami pang bakante. Pero naghihirap tayo sa pagkain. Dapat ang isang Agriculture secretary, pagtuunan yun. Maging sa kanyang pamumuno, blueprint for our agriculture system. Kailangan isystematize ang agriculture eh. Maging sistema, maging mechanized at may sistema. Pag may sistema, susundin na lang ‘yan,” wika ng butihing Pastor.

 

 

Follow SMNI News on Twitter