NAKATAKDANG magsagawa ng concert tour sa susunod na taon ang OPM rock band na Itchyworms.
Sa social media post ng myembro nitong si Jugs Jugueta, ito ang kauna-unahang concert tour ng banda sa Estados Unidos.
Sinabi pa nito na pati si Chino Singson na umalis na sa banda ay kasama sa naturang tour.
Sa inilabas na schedule, buwan ng Marso at Abril mangyayari ang tour at isasagawa ito sa New York, Dallas, San Antonio, Houston, San Francisco, Los Angeles, San Diego, Chicago at Las Vegas.
Ang karagdagang impormasyon gaya ng presyo ng tickets at venues ay iaanunsyo lang din.
1996 nang nabuo ang Itchyworms.