IU, nag-donate ng ₩300-M sa tatlong foundations para ipagdiwang ang kaniyang 15th debut anniversary

IU, nag-donate ng ₩300-M sa tatlong foundations para ipagdiwang ang kaniyang 15th debut anniversary

MULING nag-donate ang South Korean singer-actress na si Lee Ji-Eun o mas kilala bilang IU ng 300 million won sa tatlong magkahiwalay na foundations sa kanilang bansa.

Batay sa ibinahagi ng Edam Entertainment noong Setyembre 18, ang talent agency ni IU, benepisyaryo sa donations ang Asan Medical Center, Korea Children’s Welfare Association, at Seoul Children’s Hospital.

Teenagers at mga kababaihan na walang kakayahan na magpagamot dahil sa kahirapan at environmental projects sa children facilities na apektado ng mga pagbaha ang paggagamitan ng donasyon mula sa singer-actress.

Itinaon ni IU ang pagbibigay donasyon sa kaniyang ika-15 debut anniversary sa music industry.

Matatandaang nag-debut si IU noong Setyembre 18, 2008 sa kantang “Lost Child”.

Ilan naman sa sikat na mga TV series at pelikula ni I.U. ay ang Hotel de Luna, Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, Dream High, Bedevilled at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble