Ivana Alawi binisita ang children’s center sa Quezon City

Ivana Alawi binisita ang children’s center sa Quezon City

BINISITA ng aktres na si Ivana Alawi ang Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City batay sa kaniyang latest vlog.

Doon ay namigay ng tulong na nagkakahalaga ng P50,000 si Ivana sa ilang mga pasyente.

Binigyan din ng aktres ang mga doktor at nurse na nakasama niya maglibot sa mga ward ng mga cellphone.

Maliban pa rito, sinabi ni Ivana na kung anuman ang kikitain niya sa naturang vlog ay ido-donate niya sa ospital.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble