Ivana Alawi, nagpositibo sa Covid; Ina at kapatid na lalaki nagpositibo rin

Ivana Alawi, nagpositibo sa Covid; Ina at kapatid na lalaki nagpositibo rin

PINAKABAGONG idinagdag sa listahan ng mga celebrity na nagpositibo sa COVID-19 ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, kasama ang ina at kapatid na lalaki nito.

Inanunsyo ng vlogger at atkres na si Ivana Alawi na nagpositibo na rin ito sa COVID-19.

Sa kanyang Youtube channel sinabi niyang naunang nagpositibo ang kanyang ina na si Fatima at matapos ang ilang araw ay sumunod siya at sinundan din ng kanyang kapatid na lalaki na si Hashim.

Agad na nag-isolate ang kanyang ina sa Quezon City matapos makaramdam ng mga sintomas at naging COVID positive.

Ani Ivana, fully vaccinated na silang buong pamilya pero natamaan pa rin sila ng virus kung kaya’t pinayuhan nito ang mga netizen na mag-ingat pa rin at huwag na lumabag sa mga ipinatutupad na batas lalo na kapag nakakaramdam na ng sintomas ng sakit.

Gayunpaman, masaya anya ito dahil hindi nagpositibo ang kanyang nakatatandang kapatid na si Almira at ang bunsong kapatid na si Mona na pinaka-iingatan nila dahil marami na umano itong sakit na pinagdaanan.

Dagdag niya sobrang delikado na para kay Mona kung madadapuan pa siya ng COVID.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.