Ivana Alawi, nangunang Youtube content creator sa bansa

NANGUNA ang actress-vlogger na si Ivana Alawi bilang Top Youtube content creator sa bansa ngayong 2021.

Base sa inilabas ng Google Philippines, sa pangalawang sunod na taon, nahigitan ni Ivana ang mga vlogger na si Alex Gonzaga at Vice Ganda.

2019 nagsimulang mag-vlog si Ivana, kung saan mas sumikat ang actress sa pamimigay ng tulong sa kaniyang mga followers.

Sa ngayon ay umabot na sa 14.4 million ang kanyang subscribers sa Youtube.

Ilan pa sa nakasama sa Top 10 content creator sa Youtube ay ang kapatid ni Ivana na si Hash, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome, Skusta Clee, Mika Salamanca, at Cong TV.

SMNI NEWS