PINABULAANAN ni Ivana Alawi ang kumakalat na balitang nagkasakit aniya siya ng cancer.
Sa isang event kamakailan, ipinaliwanag ni Ivana na nagkaroon lang siya ng flu noong nakaraang linggo at wala ng iba.
Sinabi pa ng actress-vlogger na healthy siya sa kabuuan at nagka-flu lang dahil sunod-sunod ang trabaho.
Wala rin aniya silang family history hinggil sa cancer, kung kaya’t walang dapat ikabahala ang lahat ng mga taga-suporta niya.
Follow SMNI News on Rumble