Ivermectin laban sa COVID-19, mataas ang demand rate —FDA

Ivermectin laban sa COVID-19, mataas ang demand rate —FDA

HINDI maikakailang may demand sa paggamit ng ivermectin laban sa COVID-19.

Ito’y ayon kay Food and Drug Administration (FDA)Director Eric Domingo matapos inihayag nito na ginagamit talaga ng mga tao ang naturang anti-parasitic drug para sa COVID-19 patients.

Dahil dito, ibinahagi ni Domingo na magsisimula sa Hunyo ang recruitment ng participants para sa clinical trial ng ivermectin at inaasahan nilang makukuha ang resulta, apat hanggang limang buwan.

Samantala, binigyang-diin lang muli ni Domingo na wala pang sapat na datos sa ngayon na siyang magrerekomenda sa ivermectin na gamitin laban sa COVID-19.

Samantala, binigyang-diin lang muli ni Domingo na wala pang sapat na datos sa ngayon na siyang magrerekomenda sa ivermectin na gamitin laban sa COVID-19.

Kamakailan lang ay inihayag ng FDA na maaari nang gamiting gamot para sa tao ang ivermectin.

Matapos itong mabigyan ng certificate of product registration (CPR) bilang ‘anti-nematode drug’ o gamot para sa bulate.

Posible na rin itong mabibili sa merkado dahil ayon sa FDA, kapag naibigay na ang CPR ay maaari nang ibenta ang naturang gamot.

Samantala, wala pang ibinigay na Emergency Use Authorization (EUA) ang FDA sa ivermectin bilang gamot sa COVID-19 kahit na anim na ospital na binigyan ng compassionate special permit para sa kanilang COVID-19 patients.

(BASAHIN: Ivermectin, mainit na tinanggap ng publiko —Marcoleta)

SMNI NEWS