Iza Calzado, magbabalik sa horror film na “Shake, Rattle & Roll”

Iza Calzado, magbabalik sa horror film na “Shake, Rattle & Roll”

MAGBABALIK muli sa paggawa ng isang horror film ang aktres na si Iza Calzado at ito ay sa kinatatakutang film ng mga Pilipino— ang “Shake, Rattle & Roll”.

Kasama ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” sa itatampok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Grateful at honored ang aktres na maging parte muli sa nasabing horror film at aniya tuwing gumagawa ito ng isang proyekto ay hindi niya nilalagyan ng expectations dahil nagbibigay ito ng pressure sa kaniya at mas gusto niyang i-enjoy lang ang paggawa ng pelikula.

Hinikayat naman ni Iza ang mga Pilipino na tangkilin ang Philippine Cinema.

Follow SMNI NEWS on Twitter