KASALUKUYAN ngayong naka-confine sa ospital ang aktres na sa si Iza Calzado sanhi ng pneumonia.
Sa ngayon, hinihintay pa ng artista ang resulta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test para makumpirma kung postive o negative ang nasabing aktres sa coronavirus.
Hinikayat naman ni Iza ang lahat na mag-alay ng dalangin ang mga Pilipino sa lahat ng mga may sakit, may impeksyon ng COVID-19 at para rin sa mga frontliners.
Samantala, naka-binbin pa rin ang premier ng bibidahan ni Iza Calzado na teleserye ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” sanhi ng rin ng COVID-19, na naka-takdang ipalabas sa March 23.
Hindi naman inilahad ng aktres kung kailan pa niya unang naramdaman ang sintomas ng pneumonia.