SASAILALIM sa isang surgery para sa kaniyang kanang balikat ang Memphis Grizzlies guard na si Ja Morant.
Ito’y matapos kasalukuyang iniinda ni Morant ang sakit dahil sa pagka-dislocate ng kaniyang kanang balikat matapos ang isang sesyon ng kanilang pagsasanay noong Sabado, Enero 6, 2024.
Inaasahang hindi muna makapaglalaro si Morant para sa full recovery nito.
Matatandaang pinatawan ng suspension without pay si Morant noong Hunyo.
Dahil ito sa pagdadala niya ng handgun batay sa isang viral video noong Mayo.
Nauna na ring nagkaroon suspension ang basketbolista noong Marso dahil may dala-dala itong ibang uri ng armas batay sa isang hiwalay na viral video.