Jacinda Ardern, pormal nang pinalitan ng bagong New Zealand PM

Jacinda Ardern, pormal nang pinalitan ng bagong New Zealand PM

OPISYAL nang nagbitiw sa pwesto si Jacinda Ardern at pinalitan bilang New Zealand prime minister matapos nitong biglaang ianunsyo ang pagbaba nito sa kanyang tungkulin noong nakaraang linggo.

Pormal nang nanumpa si Chris Hipkins na 44 taong gulang bilang bagong prime minister ng New Zealand sa kalagitnaan ng seremonya sa Wellington.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang nang ihayag ni Ardern na wala na siyang maihahain pa bilang prime minister ng New Zealand matapos nitong gabayan ang bansa sa matitinding krisis nito gaya ng pinakamalalang terror attack, natural disasters, at COVID-19 pandemic.

Ayon naman kay Hipkins, sabik siya sa kanyang gagampanang tungkulin at pagtutuunan nito ng pansin ang economic crisis na kinakaharap ng kanilang bansa matapos itong dumaan sa health crisis.

Follow SMNI NEWS in Twitter