Jack Ma Foundation, magbibigay ng 50, 000 COVID-19 testing kits sa bansa

MAGKAKALOOB ng 50,000 COVID-19 testing kits ang Jack Ma Foundations sa Pilipinas sa ilalim ng foundation ni Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa Manny Pacquiao Foundation, ang naturang hakbang ay bilang tulong sa paglaban ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa isang 142 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa at patuloy ang pakikibaka ng bansa para malabanan ang posibleng pagkalat nito.

Maliban naman sa Pilipinas, una ng nagpaabot ng tulong ang Chinese billionaire na si Jack Ma sa iba pang bansa na apektado ng naturang virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.