NAIS ni James Harden na maglaro para sa Los Angeles Clippers sa susunod na season.
Sa katunayan, isang 35.6-M dollars na player option para sa 2023-2024 ang ninanais ni Harden upang mapilitan ang kasalukuyang koponan nito na Philadelphia 76ers na ibigay siya sa ibang koponan.
Sa ulat, maliban sa Clippers ay pinagpipilian din ni Harden ang maglaro para sa New York Knicks at Phoenix Suns.
Ayon sa teammate nito na si Joel Embiid, umaasa pa rin siya na magbago ang isip ni Harden hinggil sa paglipat ng ibang team.