NANINIWALA si Councilor James Yap na kaya nitong pagsabayin ang kanyang karera sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang manlalaro ng Rain or Shine at panunungkulan bilang konsehal ng San Juan City.
Ayon kay Yap, masaya siya sa ma sumusuporta at naniniwala sa kanyang kakayahan at dagdag pa nito, maraming naghihintay sa mga constituents niya sa San Juan na makapaglaro itong muli.
Matatandaan na lumagda ang seven-time PBA champion ng one-conference deal sa Elasto Painters bago ang Governors’ Cup at nakapaglaro na rin itong muli sa unang pagkakataon simula noong 2021 at nakaharap ang Meralco Bolts kung saan sila natalo sa iskor na 105-87.
Bukod dito ay pabor din sa kanya ang coach nitong si Yeng Guiao na may maraming karanasan pagdating sa pagbabalanse ng trabaho bilang atleta at politiko.
Si Guiao ay nagsilbi bilang vice governor ng Pampanga at congressman simula 2013-2016 habang nagsisilbi rin bilang coach sa PBA.