WALANG ipapataw na suspension para kay Jamie Malonzo ng Barangay Ginebra San Miguel.
Sa kabila ito ng pagkakasangkot niya sa isang fistfight noong Pebrero 25 sa court.
Paliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial, humingi ng paumanhin si Malonzo at sinabing “miscommunication” ang dahilan ng away.
Dahil dito, makakapaglaro pa rin ang basketbolista ngayong Marso 8 sa Philippine Cup.