JaMill signing off sa YouTube dahil nga ba sa BIR taxes?

JaMill signing off sa YouTube dahil nga ba sa BIR taxes?

USAP-USAPAN parin ng mga netizens ang pagdelete ng youtube account ng real life couple vlogger na Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

August 18, 2021 nang madelete ang YT account ng dalawa na ayon na rin sa kanilang mutual decision at makapamuhay ng simple at pribado.

Matatandaang August 16, 2021 ay naglabas ang BIR ng Revenue Memorandum Circular No. No. 97-2021  na ang lahat ng mga social media influencers kasama na ang mga Axie Infinity, Streamer, Gamer o lahat ng kumikita sa YT ay kinakailangan ng magbayad ng tax.

Ayon kay Atty. Mariz Cabreros, matatawag pa rin na serbisyo ang online games, kung saan nakatatanggap din ang mga ito ng stars, gems at iba pa na dapat talagang magbayad ng tax at kinakailangang magparehistro sa BIR.

Ayon din sa BIR ay mayroong couple vlogger na kumikita ng 50 hanggang 100 million sa loob lamang ng nakalipas na dalawang taon upang makaiwas sa pagbabayad ng taxes alinsunod sa inilabas na panukala ng ahensya.

Samantala, kamakailan din ay for sale ang house ang lot mansion ng JaMill pati na rin ang kanilang luxury vehicles na pawang katas ng kanilang kita sa YouTube.

 

 

SMNI NEWS