Janella Salvador, malapit nang gumaling ang ankle injury

Janella Salvador, malapit nang gumaling ang ankle injury

MALAPIT nang gumaling ang ankle injury ni Janella Salvador matapos aksidenteng mahulog noong Hulyo.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Janella na wala namang nabali na buto ngunit malalang sprain ang kaniyang naranasan.

Siniguro naman ni Janella sa kaniyang fans na maayos na ang kaniyang kalagayan at kinakailangan lang nito ng pahinga.

Samantala, kasalukuyang naghahanda ang aktres para sa kaniyang pelikulang “Under the Parallel Skies” kasama ang Thai actor na si Win Metawin.

Follow SMNI NEWS on Twitter