MULING pinagtibay ng Japan at Australia ang bagong bilateral security agreement nito na sumasaklaw sa kapangyarihang pang militar, intelligence at cybersecurity cooperation para tapatan ang lumalakas na pwersa ng China.
Ang pag-upgrade sa Joint Declaration on Security Cooperation na isang kasunduan na unang pinirmahan taong 2007 ang sentro ng pagkikita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida at ng kanyang Australian counterpart na si Anthony Albanese sa Perth.
Ito ay katapat ng process agreement na pinirmahan noon ni Kishida kasama si dating Australian Prime Minister Scott Morrison na nagpapalawak sa ugnayan ng dalawang bansa sa pagsasagawa ng joint military exercises.
Ito ang unang kasunduan na pinirmahan ng Japan kasama ang ibang bansa maliban sa Estados Unidos.
Inanunsyo ng Japan noong Sabado na ang Self-defense Forces nito ay magsasanay kasama ang militar ng Australia sa hilagang bahagi ng bansa sa unang pagkakataon kasunod ng kasunduang ito.
Base sa kasunduan, sinabi naman ni Australian Prime Minister Albanese na sumasalamin ang kasunduang ito sa strategic alignment ng bansa nito.