Japan at Australia posibleng sasali sa 2025 Balikatan Exercises

Japan at Australia posibleng sasali sa 2025 Balikatan Exercises

INAASAHANG sasali sa Balikatan Exercises ngayong taon ang Japan at Australia, maliban pa sa Estados Unidos.

Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), maaaring ang 2025 Balikatan na ang pinakamalaki kumpara sa nakalipas na mga taon.

Gagamitin dito ang mga equipment na nabili ng bansa para sa AFP Modernization Program.

Sa panig ng Estados Unidos, dadalhin nila sa Pilipinas ang kanilang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System anti-ship missile system.

Ito’y magagamit anila para sa pagsasanay, halimbawa sa mga unmanned surface vehicles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble