Japan at Cambodia, magtutulungan para sa demining ng Ukraine at iba pa

Japan at Cambodia, magtutulungan para sa demining ng Ukraine at iba pa

MAGTUTULUNGAN ang Japan at Cambodia para sa pagtanggal ng landmines sa Ukraine at iba pang lugar na nagkaroon ng digmaan.

Ayon kay Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa, magandang katuwang ang Cambodia dito dahil sa malawak na karanasan nila sa loob ng tatlong dekada na digmaan.

Matatandaang milyun-milyong mga landmines ang inilagay sa kanilang bansa at libu-libo katao ang nasawi dahil dito.

Kaugnay nito, sa susunod na linggo ay magbibigay na ng demining machine ang Japan sa Ukraine habang sa Agosto ay sasailalim sa training ang Ukrainian agencies sa Cambodia kung paano gamitin ang equipment.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble