Japan at EU, magpapataw ng karagdagang sanctions sa Russia

Japan at EU, magpapataw ng karagdagang sanctions sa Russia

NAGKASUNDO ang Japan at European Union (EU) para muling dagdagan ang sanctions laban sa Russia.

Nakipag-usap si Japanese Prime Minister Fumio Kishida kay European Commission President Ursula Von Ler Deyen at European Council President Charles Michel.

Ayon kay Kishida sa isang press conference, sinusuportahan ng Japan ang iba pang sanctions sa Russia dahil nayanig umano ang pundasyon ng world order dahil dito, hindi lamang sa Europa kundi maging sa Asya.

Matatandaan na una nang nagpatupad ng freeze sa lahat ng assets ng Russian leaders ang Japan kabilang na si President Vladimir Putin, mga opisyales at mga bilyonaryo.

Samantala, si Von Der Leyen ay aalis sa Japan matapos maglunch habang si Michel ay pupunta pa ng Hiroshima upang magbigay tribute sa atomic bombing victims.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter