Japan, binawi ang unang request sa mga Airline na suspendihin ang inbound flights

BINAWI ng Japan ang kahilingan nito sa mga Airline na suspendihin ang inbound flights sa bansa ngunit hiniling nito sa kanila na tugunan ang mga pangangailangan ng mga japanese national na gustong umuwi sa bansa.

Hiniling ng ministry sa mga Airline noong Lunes na ihinto ang pag-book ng mga inbound flights o bagong reserbasyon hanggang sa katapusan ng taon upang maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant.

Nangangahulugan na ang mga Japanese national, na kasalukuyang nasa labas ng bansa, ay hindi makakauwi sa bansa, maliban kung nakapag-book na sila ng kanilang mga flight.

Ipinaliwanag ng ministry na ito ay isang emergency precautionary measure, ngunit sinabi ng mga airline na ito ay masyadong mahigpit.

Ang mga nagplanong umuwi na mga Japanese na nasa ibang bansa ay nalito rin.

Binawi naman ng ministry ang naunang kahilingan noong Huwebes.

SMNI NEWS