Japan Boxing Commission, pinatawan ng 1-year ban si Pinoy boxer John Riel Casimero

Japan Boxing Commission, pinatawan ng 1-year ban si Pinoy boxer John Riel Casimero

PINATAWAN ng Japan Boxing Commission (JBC) ng one-year ban ang Pinoy boxer na si John Riel Casimero.

Sanhi rito ang pagiging overweight ni Casimero sa kaniyang latest fight.

Sa ulat, overweight ng isang kilo ang Pinoy boxer sa naging laban nito kontra American boxer na si Saul Sanchez noong Oktubre 13 sa Yokohama, Japan.

Doon, kung matatandaan, napatumba ni Casimero ang Amerikano sa unang round.

Samantala, ang laban naman na ito ni Casimero versus Sanchez ay ang muling pagbabalik ng boxer matapos ang isang taon na hiatus.

Ang isa sa rason ng hiatus ng boxer ay may kaugnayan din sa weight mismanagement.

Kung papalarin, nais pa sana ng Pinoy boxer na makalaban sa susunod na mga pagkakataon ang Japanese star na si Naoya Inoue.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble