BUKAS ang bansang Japan na makipagpulong sa Estados Unidos ukol sa usaping Indo-Pasipiko.
Pagpapalakas sa sektor ng ekonomiya ang isa sa magandang nakikita ng Japan sa pakikipagsundo sa Estados Unidos ukol sa usaping Indo-Pasipiko.
Nitong Miyerkules, napagkasunduan nina Japanese Trade Minister Yasutoshi Nishimura at U.S. Commerce Secretary Gina Raimondo na palawakin ang usapin sa pagpapalago ng kanya-kanyang ekonomiya sa Indo-Pasipiko.
Sa pangunguna ng Estados Unidos, kinausap ng dalawang bansa ang 14 na ministro mula sa iba’t ibang bansa na kasapi ng Indo-Pacific Economic Framework (IPEF).
Sa isinagawang pagtitipon napag-usapan ang pagpapalakas ng trade industry, decarbonization, paggamit ng clean energy, supply chain resiliency at maging ang usapin sa corruption at tax.
Samantala, maliban sa Estados Unidos, nakipagsundo rin ang Japan sa bansang New Zealand ukol sa usaping ito.