GAGANAPIN na sa Abril 29 simula 6:00 ng gabi ang concert ng SB19 sa Japan.
Ang venue ay sa Japan Pavilion, Tokorozawa Sakura Town, Saitama.
Inisyal itong nakatakda noong Disyembre 9, 2023 subalit dahil sa ilang rason ay rescheduled na ito ngayong taon.
Ang mga ticket na nabili noong Disyembre 9 ay tatanggapin naman sa magiging concert sa Abril.
Samantala, si Whee In ng Korean girl group na Mamamoo ay tutungo sa bansa ngayong Abril din para sa isang solo concert.
Sa anunsiyo ng talent agency nito na The L1VE Label, Abril 13 naka-schedule ang pagbisita ng singer.
Una nang pumunta si Whee In sa bansa noong Pebrero 2023 sa Araneta Coliseum para sa Manila leg ng “My Con” tour ng Mamamoo.