GAGAWA ng database ang Japan para maiwasan ang child poverty.
Nagdesisyon ang gobyerno ng Japan na gumawa ng database para malikom ang mga impormasyon ukol sa mga bata, family economic conditions at academic abilities upang maiwasan ang child poverty maging pang-aabuso.
Sa pamamagitan ng pangongolekta ng ganitong datos na karaniwang nililikom ng magkahiwalay ng welfare at education sector ng gobyerno, mabilis lang na makikilala ang mga kabataan na nangangailangan ng tulong at suporta.
Nilalayon naman ng gobyerno na makagawa ng database sa buong bansa sa fiscal year 2023 bilang parte ng polisiya ni Prime Minister Fumio Kishida na i-promote ang digital transformation of society.
Sa ngayon ang Japan ay may mataas na child poverty rate sa major economies kung saan labing apat na porsyento ng mga nasa edad na labimpitong taong gulang at mas mababa pa ay may income na mas mababa sa national median disposable income noong 2018.
Magsasagawa naman ng pagpupulong ang mga vice minister ng bansa sa katapusan ng buwan ukol sa paggawa ng database.