Japan, isasali ang sektor ng transportasyon sa blue-skilled worker visa

Japan, isasali ang sektor ng transportasyon sa blue-skilled worker visa

INIHAHANDA ng Japan ang apat na sektor kabilang ang transportation industry na mapabilang sa blue skilled worker visa kung saan mayroong limang taon na karapatang magtrabaho ang mga dayuhan dito.

Ang hakbang ay magdaragdag sa industriya ng skilled worker No. 1 visa hanggang 16 kabilang ang road transportation, railway, forestry, at timber sectors.

Matatandaan na ang pangangailangan ng Japan sa dayuhang manggagawa ay patuloy na tumataas dahil sa mababang birthrate.

Ang mga dayuhan na mayroong No. 1 visa ay kinakailangang pumasa sa exam na nagpapakita ng pagiging propesyonal at kakayahan nitong magsalita ng linggwahe ng mga Japanese.

Samantala, sa No. 2 visa naman ay maaaring magkaroon ng unlimited na renewal, pinapayagan din nito ang mga manggagawa na dalhin ang kanilang mga anak at manggagawa sa Japan.

Hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre 2023 aabot lamang sa 200-K katao ang may hawak ng No. 1 visa habang 29 lamang ang mayroong No. 2 status.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble