Japan, magsasagawa ng G7 Video Summit sa Pebrero 24

Japan, magsasagawa ng G7 Video Summit sa Pebrero 24

MAGLULUNSAD ng G7 Video Summit sa Pebrero 24 ang Japan kasabay ng isang taong anibersaryo ng kasalukuyang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ikinukunsidera ni Prime Minister Fumio Kishida ang pag-iimbita kay Ukrainian Pres. Volodymyr Zelenskyy sa video summit.

Sa pagpupulong ay inaasahang pag-uusapan ang kasalukuyang gyera sa Europa sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang pagpupulong na ito ay kasunod ng mga pangamba na ang Russia ay maglulunsad ng malawakang pag-atake sa Ukraine sa darating na tag-init.

Ito ang kauna-unahang summit na pangungunahan ni Kishida bilang chairman ng G7.

Kamakailan lamang ay binatikos ng mga bansang kasapi sa G7 ang Russia dahil sa pag-atake nito sa energy at water facilities ng Ukraine.

Follow SMNI NEWS in Twitter