Japan, makikipagpulong sa Italy para sa usapin ng makabagong fighter jets

Japan, makikipagpulong sa Italy para sa usapin ng makabagong fighter jets

HANDA ang Japan na makipagpulong sa Italy sa usapin ng pagpapalago ng makabagong fighter jets.

Sa susunod na buwan sisimulan na ng Japan ang ugnayan nito sa Italy para sa ika-anim na henerasyon ng fighter jets.

Ayon kay General Luca Goretti ng Italian Air Force isang magandang pagkakataon na makipag-ugnayan sa Japanese Air Force lalo na sa usaping pandigmaang himpapawid upang mapabilis at mapalakas pa nito lalo ang gagamiting bagong henerasyon ng fighter jets.

Dagdag pa ng heneral, kung mapapalalim pa nito ang usapin sa teknolohiya sa Japan tiyak na lalakas pa ito.

Maliban dito plano ng Japan na mapalalim ang pag-aaral sa F-X program bilang kapalit ng Mitsubishi F-2 fighter program.

Samantala, inaasahan din ngayong taon ang pakikipag-ugnayan ng United Kingdom sa Japan ukol pa rin sa usapin ng mga makabagong kagamitang pandigma sa himpapawid.

Follow SMNI NEWS in Twitter