NAGBIGAY ang Japan ng 300 metriko toneladang (MT) bigas para sa mga biktima ng Bagyong Kristine at iba pang kalamidad gaya ng El Niño sa Leyte Province.
Kasunod ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot ng halos 179K (178,685) ang mga pamilya apektado ng Bagyong Kristine noong Oktubre sa Region 8.
Katumbas ito ng 685K (685,049) katao sa rehiyon kabilang na ang Leyte.
Kaugnay nito, pormal na nai-turnover ang 300 metriko toneladang bigas sa Palo City, Leyte nitong Nobyembre 27 sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve Framework.
Ang turn-over ay dinaluhan din ng mga opisyal ng National Food Authority (NHA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).