NAG-donate ang Japan ng milyun-milyong halaga ng Information and Communication Technology (ICT) equipment sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa Japanese Embassy, ang turnover ng mga kagamitan ay isinagawa sa pamamagitan ng United Nations Development Program (UNDP) nitong Marso 19, 2025.
Kasama sa mga ibinigay ang 40 Starlink units na ilalagay sa mga lugar na mahina ang signal, ayon kay COMELEC Chair George Garcia. Layunin nitong mapadali ang pagpapadala ng reports, lalo na sa mga malalayong lugar.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi gagamitin ang mga equipment para sa nalalapit na midterm elections, kundi para lamang sa mga opisina sa liblib na lugar.
Dagdag pa niya, mayroon nang 7,000 Starlink units na hiwalay na ilalaan para sa halalan sa Mayo 2025.