Japan, naghahanda na para sa evacuation mission mula sa Afghanistan

Japan, naghahanda na para sa evacuation mission mula sa Afghanistan

NAGHAHANDA na ang Japan para sa evacuation mission ng mga Japanese nationals at mga empleyado ng lokal na embahada mula sa Afghanistan.

Napagkasunduan ng gobyerno ng Japan na magpadala ng mga aircraft ng Self-Defense Force sa Afghanistan upang mailikas ang mga Japanese nationals at mga tauhan ng lokal ng embahada.

“We will dispatch aircraft for the safe evacuation of Japanese nationals, those remaining at the embassy and local staff of the Japan International Cooperation Agency,” ayon kay Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato.

Umalis ng bansa patungong Afghanistan kahapon ang mga opisyal mula sa Foreign at Defense ministries upang pag-aralan ang sitwasyon doon, para sa evacuation mission ng mga Japanese nationals.

Ayon sa Foreign ministry ng Japan, ang mga kawani ng lokal na embahada at kanilang mga pamilya, pati na rin ang mga nagtatrabaho sa mga internasyonal na organisasyon ay humingi ng tulong upang maka-alis sa Afghanistan.

“Securing the safety of Japanese people (in Afghanistan) is our top priority, and we also deem it important to secure the safety of local staff of the embassy and JICA (Japan International Cooperation Agency) remaining there as they include those who wish to leave the country,”ayon kay Kato.

Sinabi rin ng Defence ministry na ang mga eroplano ng SDF ay maaaring maglikas ng higit pa sa 500  katao.

Samantala, ikinukunsidera naman ng opisyal ng gobyerno kung paano ililipat ang evacuees sa isang airport sa Afghanistan, at kung saang bansa sila dapat dalhin.

SMNI NEWS