Japan, naglunsad ng lunar lander at x-ray satellite

Japan, naglunsad ng lunar lander at x-ray satellite

MATAGUMPAY na nakapaglunsad ng rocket ang Japan na mayroong laman na lunar lander, ito na ang ikaapat na pagtatangka ng Japan na maglunsad ngayong taon.

Ang mga pagtatangka ng Japan noong nakaraan ay naging bigo dahil sa masamang panahon.

Ang lander na kilala bilang Moon sniper ay inaasahang lalapag sa buwan sa darating na Pebrero kung magiging matagumpay ito.

Dalawang beses nang nabigo ang Japan na maabot ang lunar surface noong mga nakaraang taon dahil sa mga setback nito sa space program.

Kung magiging matagumpay, ang Japan ang ikalimang bansa na magla-landing sa buwan kasunod ng US, Russia, China at India.

Dalawang linggo na ang nakaraan nang gumawa ng kasaysayan ang India matapos na matagumpay na makapaglapag ng spacecraft malapit sa South Pole ng buwan.

Ang Japanese spacecraft ay inaasahang lalapag isandaang metro malapit sa shioli crater.

Ang rocket ng Japan ay may dala ring x-ray imaging at spectroscopy mission satellite na isa namang joint project ng Japanese, American at European Space Agencies.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter