NAKILAHOK ang bansang Japan sa military drills na pinangunahan ng Estados Unidos at Indonesia.
Malalim na kooperasyon at komunikasyon ang pangunahing layunin ng Super Garuda Shield Annual Joint Exercise na dinaluhan ng Japan Ground Self-Defense Force na isinagawa sa silangang bahagi ng isla sa Indonesia na Sumatra.
Ayon kay Gen. Andika Perkasa, commander ng Indonesian National Armed Forces at top military officer, malaking oportunidad ito upang mapalakas pa ang kasanayan ng mga kasundaluhan ng bawat bansang dadalo sa nasabing aktibidad.
Sa pasimula ng Airborne exercise, inihayag ni Ushijima na kailangang may kaalaman ang bawat kasundaluhan sa iba’t ibang klase ng equipment na ginagamit sa pakikipaglaban.
Aabot naman sa higit 5,000 kasundaluhan ang nakilahok sa nasabing aktibidad mula sa Indo Pasipiko.
Samantala, maliban sa Japan, nakilahok din ang Canada, France, India, Malaysia, South Korea, Papua New Guinea, Timor Leste, at United Kingdom.