KAHIT na nananatiling magkasalungat ang dalawang bansa sa iba’t ibang isyu, nangako pa rin ang Japan na itutuloy ang estratehiko at kapaki-pakinabang na relasyon sa China.
Ayon sa 2024 diplomatic bluebook, ang Japan ay magsusulong ng mutual beneficial relationship na nakabase sa parehong strategic interest sa China.
Parehong sinang-ayunan ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Chinese President Xi Jinping ang pagbuo ng isang estratehiko at mutually beneficial na relasyon sa kanilang pagpupulong sa San Francisco noong nakaraang taon.
Subalit, nananatili pa rin ang tensyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang Asyanong bansa sa mga usapin tulad ng pinag-aagawang Senkaku Islands sa East China Sea at ang pagpapakawala ng Japan sa mga radioactive water sa karagatan mula sa Fukushima Daiichi nuclear power plant.
Tumindi rin ang tunggalian ng dalawang bansa matapos piliin ng Japan na maging kaalyado ang Estados Unidos at ang pagpapabilis sa trilateral collaboration ng Japan, Amerika at Pilipinas.