Japan, nangako ng ‘maritime at digitalization support’ sa ASEAN member states

Japan, nangako ng ‘maritime at digitalization support’ sa ASEAN member states

TUTULONG ang Japan na palakasin ng ASEAN member states ang digitalisasyon at maritime safety ng mga ito.

Nangako si Prime Minister Fumio Kishida na palalakasin nito ang suporta sa mga bansa sa Southeast Asia sa sektor ng maritime safety at digitalization.

Mayroon umanong Human Resources Development Plan para sa limang libong katao sa susunod na tatlong taon.

Ang plano na ito ay inanunsiyo bago ang pagpupulong nito sa Jakarta kasama ang mga lider ng mga bansang kasapi sa ASEAN.

Susuporta rin umano ang Tokyo sa mga member state ng ASEAN na i-digitalize ang imprastruktura at palakasin ang cybersecurity.

Sa ASEAN-Japan Summit, si Kishida kasama ang Southeast Asian counterparts nito ay inaasahang magsusulong ng isang special summit na gaganapin sa buwan ng Disyembre sa Tokyo para sa 50 taong anibersaryo ng pagkakaibigan nito.

Ang kooperasyon ng ASEAN at Japan ay nagsimula pa noong taong 1973.

Si Kishida ay nasa isang linggong biyahe sa Indonesia at India para dumalo sa ASEAN-Related Summits at pagtitipon-tipon ng group of 20 economies sa New Delhi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble