Niluwagan na ng Japan ang state of emergency sa anim na prefecture nito.
Niluwagan na ng gobyerno ng Japan ang state of emergency na ipinapatupad nito sa anim na prefecture kahapon lamang. Sa kabila nito, mananatili pa rin sa ilalim ng emergency measure ang Tokyo Metropolitan area.
Inalis ang state of emergency sa bahagi ng Western prefecture ng Osaka, Kyoto, Hyogo, at Central prefecture ng Aichi at Gifu, at sa Southwestern prefecture ng Fukuoka, na mas maaga naman sa nakatakdang pagtatapos nito sa Marso a-syete.
Palalakasin naman ng gobyerno ng Japan ang mga hakbang nito upang maiwasan pa ang impeksyon sa mga lugar na nananatili pa ring nasa ilalim ng state of emergency, tulad ng Tokyo at ang mga kalapit na prefecture ng Saitama, Chiba, at Kanagawa, upang ganap itong maalis sa ilalim ng emergency sa Marso a-syete.
Matapos ang pagluluwag mula sa restriksyon, plano ng anim na prefecture na magpatupad ng pagluluwag sa operating hours ng mga bar at mga restaurant.
Noong state of emergency, sumang-ayon ang mga store operator na magsara ng alas-otso ng gabi, at makakatanggap ang mga ito ng benepisyo na 60,000 Yen kada-araw.
At dahil sa pagtatapos ng emergency, makakatanggap ang mga operator ng 40,000 Yen bilang benepisyo, kapag sumang-ayon ang mga ito na magsara ng alas-nwebe ng gabi, at 20,000 Yen naman kapag sila’y magbubukas pagkatapos ng alas-nwebe ng gabi.