Japan, patuloy na panghahawakan ang paghingi ng tawad sa S. Korea noong mga nakaraang taon dahil sa wartime labor issue

Japan, patuloy na panghahawakan ang paghingi ng tawad sa S. Korea noong mga nakaraang taon dahil sa wartime labor issue

PANGHAHAWAKAN umano ni Japanese Prime Minister Kishida ang mga sinabi ng gabinete noon ng Japan.

Taong 1995 sa ika-50 taon na anibersaryo ng pagsuko ng Japan sa World War 2, nag-isyu ng pahayag ang noo’y prime minister ng bansa na si Tomiichi Murayama na patuloy na binabanggit ng mga sumunod na gabinete hanggang sa ngayon.

Inihayag noon ni Murayama na ang Japan ay nagdulot ng matinding pinsala sa mga residente ng ibang mga bansa lalo na ang mga bansa sa Asya.

Pinuri naman ni Kishida ang solusyon ng South Korea para dito at sinabi na ito ay magdudulot ng matibay na ugnayan sa dalawang bansa.

Sa bagong solusyon na inilabas ng South Korea, ang mga foundation sa South Korea na sinusuportahan ng gobyerno ang magbabayad sa wartime laborers sa bansa nito sa halip na manghingi sa dalawang kompanya sa Japan.

Matatandaan na ilang taon nang nagpapatuloy ang hidwaan sa pagitan ng Japan at South Korea dahil sa isyu ng wartime labor na hindi matapos-tapos hanggang sa ngayon.

Follow SMNI NEWS in Twitter