GINISA ng parliamento ng Japan si Prime Minister Fumio Kishida ukol sa mga pahayag ni Ishikawa Gov. Hiroshi Hase na nagbigay ng mga regalo sa International Olympic Committee (IOC) members para sa bid nito na mag-host ng Tokyo Games.
Ang komento na ito ay inihayag ng isang dating mambabatas na kabilang sa Ruling Liberal Democratic Party na pinangunahan ang Tokyo Olympic Bidding Promotion Committee.
Ang rebelasyon ukol sa mga pondo ay hindi isinapubliko na hindi naman pangkaraniwan sa bansa.
Samantala, kung totoo ang alegasyon na ito ukol sa pagtanggap ng regalo ng IOC members, makikita na nilabag na nga nito ang Code of Ethics ng organisasyon.
Sa kaniyang talumpati, inhayag ni Hase, isang dating wrestler at naging politiko at Sports Minister ng bansa noong panahon ni dating Prime Minister Shinzo Abe, sinabihan siya na siguruhing mananalo sa bidding at bibigyan siya ng pera para dito dahil mayroon namang secret funds.
Ayon kay Kishida, pag-iisipan niya ang pagresponde ukol sa isyung ito.
Ayon kay IOC President Thomas Bach, hindi niya alam na mayroong ganitong komento na inilabas si Hase.
Ang mga pahayag na ito ni Hase ay isa na namang malaking kasiraan sa gabinete ni Kishida na ang approval ratings ay patuloy na bumabagsak mula noong Oktubre 2021.