Japan PM Kishida, itinanggi na nagsasagawa ng reshuffle sa gabinete

Japan PM Kishida, itinanggi na nagsasagawa ng reshuffle sa gabinete

ITINANGGI ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagsasagawa ito ng reshuffle sa gabinete ng bansa.

Ayon kay Kishida, nakapokus ang kanyang gabinete sa pagsasaayos ng ilang hamon sa pulitika.

Mayroon namang mga kumakalat na espekulasyon na posibleng magkaroon ng malaking revamp sa gabinete si Kishida at sa ruling liberal democratic party sa katapusan ng taon o sa pagsisimula ng taong 2023.

Huling nagsagawa ng reshuffle si Kishida noong Agosto, ang kauna-unahan mula nang maupo ito sa pwesto buwan ng Oktubre 2021.

Samanatala, mayroon namang mga alegasyon ng maling paggamit sa political funds na ipinupukol ngayon kay Prime Minister Kishida at bagong Internal Affairs Minister Takeaki Matsumoto.

Follow SMNI NEWS in Twitter