Japan PM Kishida, makikipagkita kay Chinese President Xi Jinping

Japan PM Kishida, makikipagkita kay Chinese President Xi Jinping

MAKIKIPAGKITA si Japanese Prime Minister Fumio Kishida kay Chinese President Xi Jinping sa Huwebes.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno, kinakailangang maging matatag ang ugnayan ng Japan at China kasunod ng lumalalang tensyon sa Korea peninsula.

Ang dalawang lider ay nasa Indonesia para dumalo sa Group of 20 Summit at bibiyahe naman patungong Thailand para sa APEC Summit kung saan nakatakda itong magkita.

Matatandaan na matagal nang hindi maganda ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa walang nakatirang mga isla sa East China Sea.

Ngayong taon naman ay mas lalong lumala ang ugnayan nito matapos magpakawala ang China ng ballistic missile malapit sa katubigan ng Japan kasunod ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan nitong Agosto.

Ang aksyon na ito ay kinondena ng Japan at ng mga kaalyado nito kabilang na ang Estados Unidos.

Ang huling pagkikita ng mga lider ng dalawang bansa ay noong Disyembre 2019 kung saan nakipagkita ang noo’y Prime Minister na si Shinzo Abe kay Pres. Xi Jinping sa Beijing.

Follow SMNI NEWS in Twitter