Japan PM Kishida, posibleng bumisita sa South Korea sa susunod na buwan

Japan PM Kishida, posibleng bumisita sa South Korea sa susunod na buwan

IKINUKUNSIDERA ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagbisita sa South Korea sa Marso 20 base sa isang ulat ng Fuji TV.

Nais ni Kishida na makipagkita kay President Yoon Suk Yeol ng South Korea.

Nakatakda umano na pag-usapan ng dalawang lider ang mga isyu kabilang ang North Korea sa nalalapit na eleksiyon ng South Korea sa Abril.

Matatandaan na huling bumisita si Kishida sa South Korea noong Mayo ng nakaraang taon bilang parte ng tinatawag nitong shuttle diplomacy.

Hindi lamang ito dahil naging malapit din ang dalawang bansa sa madalas na pagkikita nito sa international community events na nagbunga naman ng mas malalim na bilateral na relasyon nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter