Japan PM Kishida, tinanggal sa pwesto ang interior minister ng bansa

Japan PM Kishida, tinanggal sa pwesto ang interior minister ng bansa

TINANGGAL ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida si Internal Affairs and Communications Minister Minoru Terada.

Ang pagkakatanggal kay Terada ay malaki ang epekto sa administrasyon ni Kishida dahil ito na ang ikatlong cabinet minister na nawala sa pwesto ngayong buwan.

Ang dalawang iba pang ministro ay nagbitiw naman sa kanilang pwesto dahil sa kaugnayan ng mga ito sa kontrobersyal na Unification Church.

Samantala, kasunod nito ay inihayag naman ni Kishida na nais niyang iprayoridad ang key policy goals ng gobyerno.

Plano rin umano ng punong ministro na ipalit kay Terada ang dating foreign minister na si Takeaki Matsumoto.

Follow SMNI NEWS in Twitter