Japan, seryoso nang tutukan ang kanilang bumababang birth rate

Japan, seryoso nang tutukan ang kanilang bumababang birth rate

TUTUTUKAN na ngayon ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang bumababang birth rate sa Japan.

Sa pinakalatest na update noong nakaraang taon, mababa pa sa 800-k ang naitala nilang birth rate at kauna-unahan ito sa buong kasaysayan ng Japan.

Sa kabila pa ito ng pangako nilang pagbibigay ng cash bonuses at benefits sa mga magkakaroon ng anak.

Dahil dito, sinabi ni Kishida na maghahain siya ng plano hinggil sa pagdodoble ng pondo para sa child-related policies sa buwan ng Hunyo ngayong taon.

Magkakaroon din aniya ng bagong children and families government agency sa buwan ng Abril.

Ang bansang Japan ang pangatlo sa may bumababang birth rate kasunod sa China at South Korea.

Follow SMNI NEWS in Twitter