MULING naipagpaliban ang Tokyo Olympics Torch Exhibition na nakatakda sanang idaos ngayong linggo dahil sa mulig pagkalat ng COVID-19 pandemic.
Inanunsyo ng Tokyo Metropolitan Government ngayong araw na ang paparating na exhibition ng Tokyo Olympics Torch sa palibot ng Japanese capital ay ipinagpaliban upang mabawasan ang daloy ng tao at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Bagaman hindi masyadong apektad ng pandemya ang bansang Japan kumpara sa karamihan sa ibang bansa sa buong mundo ay nakaranas naman ito ng daily infections na umabot ng 6,000 sa unang pagkakataon noong January 07.
Nakatakdang lumagpas ang nagpositibo sa virus sa 2,000 sa Tokyo, panibagong record matapos itong makaranas ng 1,591 na kaso ng virus nitong linggo ayon sa public broadcaster na NHK.